it was on my inbox today from a colleague... thought proviking, hard hitting and 100% true. sana mabasa ng mga kamag-anak ko sa pinas...
HAY BUHAY ABROAD TALAGA
A friend named " Mae ng Ni" posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa DUBAI ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas,
kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa DUBAI lalong dumarami.
Akala nila masarap sa DUBAI di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!
Akala nila masarap sa DUBAI kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!
Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa dubai
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mo dito sa dubai .. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng RTA Bus or Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa dubai .. madami mga indianao, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka paskitani na taxi driver na rapist pa!
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab, Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach, at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dirham din ang gastos mo sa dubai . Ibig sabihin ang dirham mong kinita sa presyong dirham mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas AED3.00 sa Dubai , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
Dubai AED 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Mashreq ,HSBC o CITIbank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
Madaming naghahangad na makarating sa Dubai . Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Dubai madaming outlet ng stress mo !kasi walang bawal!!! . Hindi ibig sabihin dirham na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga't may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
3 comments:
truness yan about our dubai life here. poeple in the philippines doesnt know how hard it is to live here and struggle in this foreign land... hayssssss buhay....
nways, wala pa akong kilala na other bloggers from here eh... although i know several from the forums that ive joined... try this out. tanggal stress: http://greenforums.greenpinoy.com
feel free to message me in my ym if you wanna meet up or somethin...angel_yanah
take care!
thanks @ yanah! i'll meet you up soon...
Hello!
I'm Johnonymous! I was working in Dubai for the past few years before I emigrated here to USA.
I can really relate to this article... it's super!
I shall add you to my Recommended list, kung okay sa yo.
Cheers and always keep well.
Post a Comment