Tuesday, February 10, 2009

OFF ko na naman...

day off is supposed to be the most awaited day of the week. time to rest, enjoy, and have fun. but sometimes...
this was written last February 6 at the nearest mall from where i live in dubai, IBN Batuta Mall.
---

Hahay, heto naman ako. Nasa sulok ng foodcourt sa pinakamalapit na mall. Binubusog ang sarili ng burger, fries at softdrink. Di makapagsine dahil gusto ko “Pinoy Gay Indie.” Kahit well acclaim na pelikula basta may temang kabaklaan, ni TV Ad sa local station di makakadaan. May internet, pero kulang sa emosyon, sa sound effects, sa quality. Gusto ko big screen, gusto ko sa madilim na my 3D max quality at digital sound.

Di makapagbar, dahil bukod sa malayo sa tinitirhan ko, magastos ang ganitong bisyo. Alam nyo bang ang isang pitcher ng beer ay isang libong piso. Ayaw ko yatang tumagay ng beer na uminit dahil tinitipid mo ito. Ayaw ko yatang sumayaw pagkatapos ay wala ka man lang mapupulutan sa iyong kinauupuan. Ayaw kong mainggit sa nga orders ng kabilang mesa.

May inuman nga sa kabilang kwarto pero ang hang-over mo aabot ng isang linggo. Bukod sa amoy at lasang lason na sa 3 shots lang, sigurado ka nang mahihilo. Ganyan katindi ang alak na mabibili mo sa kanto, na ang nagbebenta ay taong puno ng balahibo. Di mo tuloy mawari kung sya ba talaga ay tao o oso. Kung bibili ka naman sa liquor shop, tatanungin ka kung ikaw ba ay lisyensyado. Syempre hindi dahil ang sahod mo ay mamiso.

Pero bakit ako ay nandito. Sa malayong lugar na maraming Arabo at Indyano. Na kung saan, lahat ay nakakalbo dahil tubig dagat ang pinanliligo dito. Hmm… siguro sa mga ‘to:

- Mas malaki ang naitutulong ko sa pamilya.
- Masarap ang buhay dito. Pagkain, transportayon at ang bahay na tititirhan ko, 24hrs air condition at walang water and electric interruption.
- Afford kong magpalinya ng internet sa kwarto.
- Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko (basic lang!)
- Malayo sa gulo, sa traffic, sa corruption, sa hirap.

But home is where the heart is. Nandito nga ako, pero ang puso ko ay nagsusumamo. Na kailangang umuwi at makapiling muli; Ang pamilyang nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa bawat sandali. Ang bansang kahit na mahirap, madadama mo ang tunay na sarap…

Ang ngiti ng bawat Pilipinong tunay na naghahari.

4 comments:

Danny said...

Medyo may kabigatan yata ang post mo na ito... malungkot, parang dama ko ang emosyon mo habang sinusulat mo to. Pero may pagka kwela rin ang pagkasulat mo.. kaya di ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko or ano ang dapat kong maramdaman.. :)

Basta kabayan... ingat ka lang diyan.. at kayong lahat na rin na pilipino diyan.

Danny said...

Pahabol lang.. nakita ko kasi ang pagkain mo.. mcdo french fries.. paborito ko yan.. palibre naman.. gutom na ako.. hahahaha!!!!

Yffar (^^,) said...

uy french fries..

hehehe

mag blog ka lang din..

madami magbabsa ng post mo

d ka na mahome sick

heheh

may YM ka kuya?

. said...

Nahohomesick ka yata dude ah. :)