Saturday, September 4, 2010

Dayo

May bagong bisita na dadayo, sila ang nakasama namin nung kami ay nag-WILD WADI. Dahil pareho silang pogi, nagboluntaryo ako na akin ang isang bote. Pero late akong makakarating dahil sa trabaho, ang bilin ko sa nag-organisa ng party.

Pasado ala-una nang silay aking madatnan. Lahat sila ay bangenge na, kaya inom ko sa alak aking binilisan. Dahil wala pang laman ang aking tyan, agad akong tinamaan na humantong sa padalos-padolos kong galaw na tila ba walang pakialam.


Agad akong umorder ng dalawang bote, kahit ang nasa mesa ay di pa nangangalahati. Gusto kong magpa-impress, ipakita ang aking superb hospitality. Malay mo, ang bisita sa kama kami matulog ng magkatabi.

Pero sa di inaasahang pangyayari, si Wendell nawala sa sarili. Dala ng kalasingan, nagsusumigaw, nagiiyak na walang iniintindi. Broken hearted daw sya at gusto na nyang umuwi. Nang ihatid, gusto namang pumirmi, hay naku! Nag-iinarte.

Bad trip, si Rodel nagwalk-out. Ayaw nya sa eksenang taliwas sa rules ng party. Aniya: “Tamang tawanan, kulitan lang sana ang dapat ipakita. Hindi ang madramang eksena na daig pa mga artista.”

Patuloy ang aming pag-inom sa alak na lasang lason. Palibhasa mumurahin pero kami walang ibang option. Tawanan, kulitan na para bang walang katapusan. Kaya ako’y bumagsak sa kama na tila walang pakialam.


Di ko na nalaman ang mga huling kaganapan. Pero balita ng aking kaibigan marami akong tinawatagan. Kaya pala telopono di mahanap kinabukasan, buti na lang tinago ni Amo
r na isa sa kainuman.

Matinding sakit ng ulo aking naramdamn, paggising ko kinabukasan. Sumumpa sa sarili na dina iinom kailanman. Ewan ko lang kung ito’y mapapangatawan.

Kung ikaw ay OFW kailangang magsaya, upang di umuwi sa Pinas na para bang balisa. Kung ikaw ay magkukulong sa kwarto ng mag-isa, ikaw ay matulala tatanda kang bigla

Malungkot sa abroad pero kailangan labanan, sakripisyo sa sarili’t pamilya dapat taasan. Dahil kung di makayan ang lungkot sa ibang bayan, pano na lang silang umaasa mawawalan ng yaman.

No comments: