Monday, August 23, 2010

Wild Wadi, my 6th time

I’ve been to Wild Wadi for 5 times and every time my friends invite me to go back to the place I simply say “no”. But last Saturday was a different story, I did not hesitate to go back to the place because 1. I want to use my new Billabong board shorts; 2. I want to flaunt my sexy body after frequenting the gym for almost 3 months now; and 3. It will be at night so the sun will not kill us.

We reached the place at around 6pm and immediately line-up to the counter and pay. After sometime, we saw our selves yelling and shouting, enjoying the swimming pool and the rides that this water park offered.

(Photo courtesy of Wendell)

I feel so happy walking around the area with my ne
w shorts on although most of the people wearing the same. I taught that my body is good enough but when I saw people in the place, mine is unflattering. I still have to work out more.

The most interesting part is the weather. Wild Wadi is perfect at night. You can enjoy all time without thinking of sunburn, heat stroke, and other related sickness for over sun exposure. We did not notice the time, it runs so fast. In fact, most of my friends wants to stay more although we already enjoyed the place for almost 6 hours.

The group of friends I am with this night out gave me a refreshing feeling as well. They are so cool and funny and everybody treated one another fairly. Plus the very good looking people in the place that adds excitement to the magnificent view of the amazing hotel, Burj Al Arab.

Geraldine, Glaiza, Wendell Charmaine, Arvy, Cherry, and the two hunks from Nozumi, Maraming Salamat! I had a great time.


Till next time!

PS: Chicken Burger in Wild Wadi should come on your dining table first before other. They use fillet instead of patty and used fried potato slices instead of ordinary French Fries.

Friday, August 20, 2010

Sa Matalik Kong Kaibigang si John

Eto si John, ang matalik kong kaibigan. Sya ang nagtulak sa akin sa mundo ng kabaklaan. Grade 3 (June, 1989) kami noong unang nagtagpo, hanggang ngayon na kahit nagkalayo, puso't isip namin ay nagkakasundo.

Sa kanya ako unang umamin na ako ay bakla, noong di ko na matago at nababahala. "John, bakla ako", ang pag-amin ko sa kanya. "Alam ko matagal na, bruha ka!" ang sagot naman nya. Mula noon, nalaman ko kung pano magsaya, ngumiti na walang halong kaplastikan at humarap sa kanino man. Nalaman man ng tao ang tunay kong pagkatao, pero feeling ko gumanda ako at ang mundo. Salamat John!

Disco, malling, kape, sine, foodtrip, sextrip, at kung ano-ano pa. Ako'y naging masaya sa feeling nya. Di ko alam na kahit kulang kami sa pera, nakakahanap kami ng paraan para magsya. Pero lilinawin ko lang, di kami magsyota. Ewwwww!

2005 ako'y nangibang bayan, Dubai aking pinuntahan upang dito maghanap ng kabuhayan. Naging malungkot man nung una, pero sa tulong nang teknolohiya, kumyonikasyon namin ay di nag-iba.

2007 muli kaming nagkita, maikli lang dahil emergency lang ang eksena. Namatay kasi ang ate na lubos kong kinalungkot pero nandyan sya kasama ng iba pa, kaya madaling nanumbalik ang aking sigla.

Kalagitnaan ng 2008 ako'y natuwa, dahil from Davao lipad sya patungong Manila. May job offer sya papuntang Saudi Arabia, excited ako dahil next level na kaming dalawa. Bagong bayani, pang-international ang beauty.

Dumating ang 2009 at di pa rin nakaalis, tinatanong ko kung bakit, ang dami daw mintis. Patuloy ako sa pagtatanong kung anong klaseng mintis, pero ang dami din naman nyang dahilan kaya malabo na daw ang kanyang paglisan.

May 2009 ang sumunod na uwi sa Pinas, at muli kaming nagkita ng matalik kong kaibigan. Excited dahil kami ay gagala, di sa probinsya na aming kinalakihan pero sa syudad ng Maynila na sobrang yaman, sa kabaklaan at iba pang kamundohan.

Bathouse, bars, dance clubs aming pinasukan. Malate ginawa naming tambyan. Isang gabi, kami ay nagpamasahe (link) at tumuloy sa aming kaibigan na si Phoebe. Tawanan, inuman hanggang magdamagan. Feeling mayaman na dati’y sa panaginip lang.

Di mapapantayan ang saya kapag si John ang nasa tabi. Palagi syang may baon na nakakawili. Gano man kahirap ang kinakaharap, gagaan at liliwanag kapag sya ang nakakausap.

Nang ako’y pabalik sa Dubai na aking pinagtratrabahuan, lungkot na naman ang aking naramdaman. Panay ang tanong sa sarili kung ito ba ang kailangan, ang bansang sinilangan ay di talaga mapantayan. “Maswerte ka!” ang sabi ng kaibigan kong si John. “Marami ang gustong mag-abroad, pero di napagbibigyan.” “Sa muling pagkikita!” ang iyak ko sa kanya. Di na nahiya ang tunay na naramdaman, dahil emosyon ko di na napigilan.

Dumaan ang mga araw at mga buwan, wala ng balita sa kaniyang pangingibang bayan. Ayaw na daw nya dahil di nya kaya, mas gugustuhin daw nya kasama ang pamilya.

Setyembre 2009, apat na buwan mula nung kami nagkita. May sinabi sya sa akin na lubos kong kinabahala. Messages online sa facebook una nyang binalita, agad ko namang tinawagan para ako’y maliwanagan. HIV infected daw sya kaya di sya pumasa, sa trabaho abroad wala ng pag-asa.

Natakot ako sa kanyang sinabi, dahil hindi man lang nya nabanggit noong kami ay magkatabi. Ang mahirap nagkasabay kami, sa mga lugar ng paraosan sa bandang Malate.

Ngayon, ako’y nalilito. Kung kukuha ng test sa Pilipinas bago ako mabuko dito. Pero ano ang magagawa ko kung magpositibo, di ko alam… Dyos ko, tulungan ako.

Sa ngayon, patuloy ang buhay. Kung ano man ang ibibigay ay tanggapin ng buong husay. Ang mahalaga, naging mabuting umaalalay. Sa kabutihan at katahimikan, pilit di sumasablay.

Sa kaibigan kong si John, walang iwanan. Sama-sama tayo at magtutulungan. Ano mang unos ang ating madatnan, kaya natin to sa tulong ng pamilya at sa Dios na lay lalang...

Kita-kita tayo sa FINALS!

Thursday, August 19, 2010

1st Photo-shoot Everrrr!

Ngeek! August 16 pa pala ang huli kong post at ang laswa pa. Para naman ma-update tong blog ko, magpopost na lang ako nang kung anu-ano. Anyway, wala namang nagbabasa dito.

February 2009 bumili (utang actually) ako ng dslr camera dahil na rin sa blog na ito. Naiganyo din siguro ako ni George na kaibigang chuva dahil isang araw, kinuha akong photographer sa mga katrabaho naming babae na binihisan nya ng bonggang-bongga. Kahit point & shoot lang ang gamit, aba! naaliw kami sa resulta.

Fastrack...


After 1 and a half year of having this gadget, noong Friday the 13th, August lang talaga ako nagseryoso. Nang pakiusapan ako ni Eric, ang aming but
ihing Purchasing Secretary na kunan silang mag-asawa ng retrato para sa nalalapit nilang kasal sa simbahan sa Pilipinas. Mega-excited naman ako dahil first time kong mag photo-shoot session kaya super research sa internet at nood ng video sa youtube ng mga pre-nup pictures para naman di ako mapahiya.

At eto na nga...
At eto pa...Sample photos lang muna dahil sa halos 5
00 na kuha, 5 lang ang pumasa sa mag-asawa, kaya may susunod na session pa, heheheh!

PS: hindi pa yan in-edit ha... reduce lang!