Wednesday, May 5, 2010

Club Car

Dahil walang guests sa lobby naisipan kong umikot na lang sa resort area gamit ang club car. Ito ang ginagawa ko kapag gusto kong magpalipas ng oras o di kaya’y mag-isip ng kung ano-ano.

Nang akoy pabalik na sa lobby ay nakita ko ang isang Nanay akay-akay ang kanyang dalawang anak. Niyaya ko silang sumakay pero nahiya yata, pinapatulog daw nya ang kanyang bunso na noo’y nakaupo sa trolly. Pero ang panganay nyang anak na lalaki ay di nahiyang nagpaalam sa Nanay at umupo sa aking tabi. Pagkatapos naming umikot ay biglang nasabi ng bata na sa tingin ko ay nasa 8 years old pa, “Thank You!”

Lubos akong nasiyahan sa sinabi ng bata. Randam ko ang taos puso nyang pasasalamat na mahirap mo nang mahanap sa mga may edad na. Di man kami lubosang nag-kaintindihan dahil sya ay Russian, alam kong napasaya ko sya at ganun din naman sya sa akin.

Ang mga ganitong bagay, bagamat simple ang syang tunay na nagpapaligaya sa akin. Sinulat ko to ngayon, dahil gusto kong ipaalala na maraming dapat ipasalamat at dapat ikatuwa. Di ko man gaanong nagugustuhan ang takbo ng aking buhay ngayon dahil siguro napuno ako ng inggit sa iba, nasa akin pa rin kong pano ako liligaya. Dapat makuntento at huwag masyadong bumilib sa sarili...

No comments: