Sunday, January 11, 2009

Balikbayan Box


Set to take vacation this April, I was happy that my Balikbayan Box was collected by the Courier company today. Hoping that it will reached it's destination...

Balikbayan Box

Matagal na panahon aking binuno
Upang sa takdang oras ikaw ay mapuno
Personal na mga bagay aking sinantabi
Upang ang gustong pasalubong aking mabili

Sa araw na ito, ikaw ay maglalakbay
Na sa aking isipay laging nakasubaybay
Na sana ay makarating ka, nang buong husay
Upang sa araw ng pagtanggap, ligayay walang humpay

Balikbayan Box ikaw ay tawagin
Puno ng mga bagay na wala sa atin
Simbolo ng pagmamahal na gustong iparating
Sa kapamilyang matagal, na di nakapiling

Sanay masiyahan sa munting nakayanan
At magparamdam kahit sa text man lang
Ang masama ay palaging nakakalimutan
Saka magpasalamat kung silay tatawagan

1 comment:

Emman said...

Great! Why not check out JollyB Box dubai for sending balikbayan box from Dubai to Philippines?