Wednesday, February 25, 2009

Sino Ako (part 1)

The 25 things about me….

Walang nagsabing gumawa din ako nito
Pero ako’y nagsisikap para sumabay sa uso
Kahit sa post na ito, pwede akong mabuko
Wala akong pakialam! Basta ako, nagpakatotoo…

Sino nga ba ako? Ako ay…

Bakla:

# 25


Awkward sa akin ang magladlad
Dahil katawan ko ay malapad
Pilit mang magpakatotoo

Pero kumembot na parang babae (in public), ni sa isip ay di nabuo (as of this time).

# 24


Di ako karpintero, tubero o mekaniko
Pero magaling akong maglaba, mamalantsa at maglinis ng kwarto.

#23


Ingat kayo sa akin kapag ako ay nalasing,
Baka wala ng saplot sa inyong paggising
Kabaklaan ay sobra at di mapigilan,

Kapag alak dumaan sa aking katawan.

#22


Lifestyle, Talk Show, Reality at Documnetary
Yan ang mga hilig ko kapag nasa harap ng TV,
Basketball, Boxing at mga teleserye,

Yan ang ayaw ko kaya remote control ay di mapirmi.

#21


Type kung magkaBF dahil dahil yucky ang GF (napasubo lang!)
Gusto ko nang magmahal, at mamahalin din ako ng lubusan...



to be continued...

No comments: