Friday, February 27, 2009

Sino Ako (part 2) ?

Kaibigan

# 20

Di ako handa na makipagsuntukan,
Upang ikaw ay ipaglaban sa gitna ng daan
Pero buong oras ko kaya kong ilaan,
Para ikaw ay damayan at paglingkuran.

#19

Di na baling sampu, basta totoong tao
Kaysa sa dalawmpu pero nagbabalatkayo

# 18

Bad trip sa akin ang nagtutulakan
Sa panahon na may dapat bayaran
Sa restaurant o anumang klaseng gimikan
Gastos pag-usapan, bago ito simulan.

# 17

Ayoko sa mayabang dahil ako ay mahilig ding magyabang
Subalit handa akong lumohod kung ikaw ay nakakalamang.

# 16

Hirap akong maningil sa mga nakautang
Pero di ibig sabihin na ito’y kalimutan na lang
Ang perang kinuha dapat mong palitan
Para sa susunod ikaw ay pagkatiwalaan

3 comments:

Mac Callister said...

di mo pala ako kaya ipagtanggol e hahaha joke lang!

MrCens said...

kaya ko! kapag na-agrabyado...

dont worry i prove it to you as soon as we walk on the sreet together...

Mac Callister said...

haha oy na erased ko yun ym mo add mo ulit ako.